Inisnab nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of staff, Gen. Rey Leonardo Guerrero at PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang ikalawang araw ng oral argument ng mga petisyong kumukwestyon sa ligalidad ng Martial Law extension sa Mindanao.
Ito’y kahit pa nauna ng inihayag ng Supreme Court na dapat dumalo sa oral argument ang tatlong nabangit na opisyal.
Sa pagbubukas ng oral argument kahapon, agad na sumalang si Albay 1st Disrict Rep. Edcel Lagman sa pag-i-interpellate ni Associate Justice Presbitero Velasco.
Tinanong ni Velasco si Lagman kung bakit hindi ito tumutol sa naunang extention ng ehekutibo pero sagot ni Lagman ay hindi naman nangangahulogan na nang dahil wala silang ginawang aksyon ay hindi na sila maaring mag-file ng petisyon.
Iginiit ni Lagman na walang factual basis para palawigin ng isang taon ang batas militar sa Mindanao dahil wala na namang aktuwal na rebelyon at hindi nalalagay sa alanganin ang seguridad ng publiko lalo’t tapos na ang digmaan sa Marawi.