Napagkasunduan umano ng Senado na iboykot ang constituent assembly o Con-ass joint session ng Kamara.
Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na nagkakaisa ang mga Senador sa pagtutol sa isinusulong na Con-ass ng Kamara.
Ayon kay Lacson, kailangan muna nilang makatiyak na magiging hiwalay ang kanilang boto sa mahigit dalawandaang representante bago sila pumasok sa joint session.
Pagbabanta pa ng senador, mapapatalsik bilang miyembro ng Senado ang sinumang dadalo sa nasabing sesyon ng Kamara.
Inadap ng Kamara ang resolusyong bubuo ng Con-ass bilang moda sa charter change (Cha-cha) o pagamyenda sa Saligang Batas, na magiging paraan sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pederalismo.