Nakatakdang magbaba ng limampu’t tatlong sentimos (P0.53) kada kilowatt hour ang singil ng Manila Electric Company o MERALCO ngayong buwan.
Ayon sa MERALCO, katumbas ito ng walong piso at pitong sentimos (P8.07) kada kilowatt hour na mas mababa kumpara sa siyam na piso at dalawampu’t apat na sentimos (P9.24) kada kilowatt hour na singil nila noong isang buwan.
Dahil dito, humigit kumulang isandaan at limang piso (P105) ang matatapyas sa mga kumokonsumo ng 200-kilowatt hour na kuryente.
Ito na ang ikalawang sunod na buwan ayon sa MERALCO na magbababa ang kanilang singil dulot ng pagbabawas sa kanilang generation charge.
—-