Kukumbinsihin ng Senado ang Kamara na gawing Con Con o constitutional Convention o separate voting ang magiging hakbang para sa mga panukalang amiyenda sa konstitusyon.
Sa gitna na rin ito ng banta ng Senado na ibo boykot ang hirit ng Kamara na joint voting o Constituent Assembly.
Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na tuluy tuloy ang pag aaral ng Senado sa mga amiyenda sa Charter Change subalit hindi uusad ang proseso at walang maihaharap na amiyenda ang Kongreso sa publiko kung wala silang mapagkakasunduan ng Kamara.
Iginiit pa ni Pimentel na paninindigan ng mataas na kapulungan sa pagsusulong ng Con Con kayat anuman ang maging resulta ng kanilang diskusyon dapat na kumuha ng three fourths vote mula sa parehong kapulungan.