Pinasu suspindi ng anim na buwan ng Ombudsman si Cagayan de Oro City Councilor Zaldy Ocon dahil sa pananampal sa isang traffic enforcer.
Batay sa record November 2016 nang tikitan si Ocon ng traffic enforcer at complainant na si Ric Emmanuel Agustin dahil sa pagpa park ng Konsehal sa no parking zone.
Nagalit umano si ocon Kay Agustin at pinunit ang ticket.
Matapos nito ay nagharap ang dalawa sa RTA o Roads and Traffic Administration Office at nagkainitan ang mga ito kayat sinampal ni Ocon ang traffic enforcer.
Sinabi ng Ombudsman na guilty si Ocon sa kasong conduct prejudicial of the best interest of service at slander by deed.