Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na sapat ang kanilang mga tulong para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa DSWD, aabot sa mahigit limang libong (5,000) food packs na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso (P2-M) ang kanilang naipamahagi sa mga lugar na nakapaligid sa bulkan.
Bukod pa ito sa limangdaang (500) food packs na ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Legazpi na nakapagserbisyo sa may isanglibong (1,000) indibiduwal.
Tatlong trak naman mula sa National Resource Operations Center o NROC ang nagdala ng mahigit tatlong libo (3,000) na family food packs kahapon at muli silang babalik sa Sabado.