Nalampasan na ng administrasyong Duterte ang Aquino administration makaraang makapagtala ito ng record high na net satisfaction ratings.
Batay ito sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), kung saan nakakuha ng positive 70 o excellent ang net satisfaction ratings ng Duterte administration.
Ito na ang itinuturing na record high sa kasaysayan ng SWS mula nuong 1989 makaraang makakuha lamang ng positive 33 ang nakalipas na administrasyon noong 2013.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 8 hanggang 16 ng nakalipas na taon at binubuo ng may isanglibo’t dalawandaang (1,200) respondents.
Una nang nakapagtala ng ‘record high na satisfaction rating ang Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng SWS.
Mula sa dating plus 58 noong Setyembre 2017, umakyat sa plus 70 o excellent ang net satisfaction rating ng Pangulo sa survey na isinagawa mula December 8 hanggang 16.
Nalampasan nito ang plus 66% net satisfaction rating ni dating Pangulong Noynoy Aquino na naitala noong Hunyo 2013.