All systems go na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP para sa hosting ng 2018 FIBA 3×3 World Cup sa Hunyo.
Magsisimula ang FIBA 3×3 sa Hunyo 8 hanggang 12 sa 55,000-seater na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Pinasinayaan naman nina SBP President Al Panlilio at FIBA Managing Director Alex Sanchez ang official logo ng event sa Bonifacio High Street.
Apatnapung (40) team sa men’s at women’s division ang lalahok sa 3 by 3 habang kabilang naman sa mga posibleng ipasok sa line up ng Pilipinas sina Terrence Romeo at Calvin Abueva.
Noong isang taon nagtapos ang Philippine team sa 11th spot makaraang matalo sina Kobe Paras, Kiefer Ravena at Jeron Teng sa kamay ng Serbian team sa ginanap na 3 by 3 World Cup sa France.
Ito ang unang beses na gaganapin sa piliPinas ang FIBA 3 by 3 World Cup.
—-