Naperwisyo na naman ang mga pasahero ng MRT-3 kaninang umaga makaraang ilang minutong tumigil ang operasyon nito.
Batay sa abiso ng DOTR o Department of Transportation , dakong alas – 9:37 kaninang umaga ng makaranas ng technical problem ang isa sa mga tren ng MRT sa southbound lane ng Ortigas Station, dahilan para pababain ang mga daan- daang pasahero.
Pinalipat na lamang sa kasunod na tren ng mga naapektuhang pasahero.
Matatandaang kahapon ng umaga sa halos kaparehong oras ay nakaranas din aberya sa biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa bahagi naman ng Santolan Station.