Sisimulan na Bukas , Enero 20 ang konstruksyon ng MRT – 7 sa North Avenue Station .
Ayon kay Metro Manila Development Authority Assistant General Manager Jojo Garcia , magsisilbing working area ang Center Island at ang magkabilaang innermost lane ng North Avenue.
Dahil dito, tatlong linya lang aniya ng North Avenue ang madadaanan papuntang Circle habang dalawang linya naman papuntang EDSA.
Kasabay nito , nanawagan ang MMDA sa publiko na habaan pa ang kanilang pasensya at pang-unawa dahil inaasahang madaragdagan pa ang oras ng kanilang byahe sa nasabing kalsada.