Aabot na sa 71 ang bilang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia Vaccine ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Centre nuong nakaraang buwan.
Ayon kay QMMC Assistant Director Lino Santiago Pabillo , walo mula sa nasabing bilang ang kumpirmadong nag positibo sa Dengue.
Gayunman, nilinaw ni Pabillo na pinauwi na ang mga ito matapos bumuti ang kanilang kondisyon.
Nasa 22 naman ang nananatili pa sa ospital pero wala aniyang senyales ng Dengue ang sakit ng mga ito.