Sinuspinde ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng OFW’s sa bansang Kuwait matapos ang pagkamatay ng pitong (7) OFW’s.
Inatasan na ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third ang POEA na itigil na muna ang pagpo proseso ng Overseas Employment Certificate ng mga nais mag trabaho sa Kuwait.
Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang kausapin ang Kuwaiti officials matapos masawi ang mga Pilipinang nagta trabaho rito.
Matatandaan na nagpahayag ang Pangulo ng ban sa pagpapadala ng mga mangagawang Pinoy lalo na ng mga kababaihang domestic helpers sa bansang Kuwait noong pagbubukas ng Overseas Filipino Bank sa Maynila.