Minaliit ng Malakanyang ang pahayag ng Human Rights Watch (HRW) na nahaharap ngayon ang bansa sa pinakamalaking krisis sa usapin ng karapatang pantao.
Tinawag na ‘fiction’ o gawa-gawa lamang ni Presidential Spokesman Harry Roque ang naturang pahayag.
Nakasaad sa 2018 world report ng HRW ang muling pagbanat ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa madugong giyera ng administrasyon kontra droga bukod pa sa banta nito sa media companies.
Sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phelim Kine na ipinauubaya na niya sa United Nations (UN) ang pagsuporta sa international investigation at itigil na ang aniya’y ‘mass killings’.
Inakusahan din aniya ng Pangulo ang online news site na Rappler na pag-aari ng Amerika para sirain ang kredibilidad nito.