Tatapusin na ng Public Attorney’s Office (PAO) ang imbestigasyon nito sa labi ng siyam (9) na kabataang nasawi matapos mabakunahan ng dengvaxia.
Sinabi ni PAO Chief Percida Rueda – Acosta na makikipag-pulong pa siya sa pamilya ng mga biktima para pag-usapan ang resulta ng forensic examination.
Ayon pa kay Acostam kailangan nilang pag-isahin ang mga resulta ng kanilang report na ilalabas nila kapag nakumpleto na ang mga dokumento hinggil sa pagsusuri.
Una nang ibinalik ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur ang halos 1.2 bilyong pisong halaga ng hindi nagamit na vials ng dengue vaccine na dengvaxia.
Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Fransisco Duque III sa kanyang pagharap sa mga magulang ng mga batang binakunahan ng dengvaxia sa Pampanga.
Gayunman, nilinaw ni Duque na hindi ito nangangahulugang tapos na ang isyu at hindi pa rin ligtas ang Sanofi sa kaso.