Isa sa bawat sampung (10) mga Pinoy ang nagsabing nakatakas na sila sa kahirapan noong nakaraang taon.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations o SWS, kung saan tatlongpo’t isang porsyento (31%) ang nakaalis na sa pagiging mahirap.
Ito ay kung saan labing pitong porsyento (17%) ang hindi talaga mahirap habang labing apat na porsyento (14%) ang ikinukunsidera ang kanilang sarili bilang newly non-poor.
Samantala, apatnapo’t apat na porsyento (44%) naman ng mga Pinoy ang naniniwalang sila ay mahirap.
Ito na ang pinakamataas na naitala ng newly non-poor families magmula nang isama sa survey ang tanong ukol sa kahirapan noong 2014.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 8 hanggang 16 sa may 1,200 respondents.