Susubukan ng isapinal ng International Olympic Committee ang detalye ng pagsasanib pwersa ng North at South Korea para sa 2018 Winter Olympics na gaganapin sa Pyeongchang, South Korea.
Pinulong na ni IOC President Thomas Bach sa kanilang headquarters in Lausanne, Switzerland ang mga leader ng olympic committee mula NoKor at SoKor maging ang mga organizer ng Pyeongchang 2018 Winter Olympics.
Partikular anya nilang paplantsahin ang mga napagkasunduan ng Seoul at Pyongyang at susubukan itong ipatupad nang walang nilalabag na olympic rules.
Ilan sa mga unang napagkasunduan ay magmamartsa ang North at South Korea bilang isang bansa sa opening ceremony sa ilalim ng unification flag.
Ang ikinakasang pagsasanib pwersa sa naturang sports event ay bahagi ng preparasyon sa posibleng pagkakaisa muli ng dalawang Korea na pinaghiwalay ng korean war noong dekada 50.