Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na kailangan ng partisipasyon ng senado upang mag-convene para sa constitutional assembly.
Ipinaliwanag ni Alvarez na hindi naman sila magpapasa ng panukalang batas kaya’t walang dahilan upang isama pa ang mataas na kapulungan ng kongreso sa con-ass.
“Hindi tayo gumagawa ng batas. Ito yung ordinaryong batas. We make a draft, we propose to the people, the people approves to accredit it. Dapat nating tandaan, hindi ito dumadaan sa pangulo para abrubahan ng pangulo. Hindi rin ito kailangan dumaan sa senado para apbrubahan niya na. Hindi ito ordinaryong batas. Hindi po ipapasok dito yung bicameral namin na ano eh… na status eh.”
Ayon kay Alvarez, tila may ikinakatakot at pino-protektahan na interes ang mga senador dahil sa kanilang pagpupumilit na makisawsaw sa trabaho ng mababang kapulungan ng kongreso.
“Anong kinakatakot mo kung ma-abolish ka? Eh kung yan naman yung makakabuti sa bayan? Diba? Pag usapan natin ito in open mind objectively. Wag yung ating personal interest at takot tayong ma abolish, diba, ganito…takot tayong hindi na maging presidente kasi marami naman diyan may ambisyon para maging pangulo, kalimutan muna nating lahat yan. Isipin muna natin yung kapakanan ng bayan. Anong mabuti sa bayan. Yun muna. Doon tayo mag umpisa. Wag tayong mag umpisa doon sa takot natin na mabura tayo doon sa structure ng government.”