Umalma ang mga senador mula sa administrasyon sa naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa libingan didiretso ang isinusulong na Cha-Cha o Charter Change.
Ito’y ayon kay Drilon ay kung ipagpipilitan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang “solo Cha-Cha” dahil sa pagmamatigas ng Senado na hiwalay na bumoto hinggil ditto.
Walang patutunguhan ito kundi sa sementeryo, hindi makakratimg sa Senado ‘yan dahil ayion sa ating Saligang Batas, kailangan ng aksyion ng dlawang kapulungan, ang House of Representatives at Senado. Kapag pinapapalitan ang pangalan ng kalsada, kailangang sumang-ayon ang Senado, lalo na siguro kung sa Saligang Batas, kailangang sumang-ayon ng Senado sa pamamagitan ng separate voting. Pahayag ni Drilon
Sa panayam ng DWIZ kay Senate President Aquilino Koko Pimentel III, seryoso at hindi dapat balewalain ang pag-aamiyenda sa Saligang Batas dahil mayroon aniya itong kaakibat na pakinabang sa taumbayan.
Dapat ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay in good faith. Huwag naman sanang sabihin na “Cha-Cha is dead”, sayang ang theory kasi ng PDP, umaasenso ang bansa under a unitary pero mas mabilis sana ang pag-asenso ng bansa, lalo na ‘yung mga rehiyon under Federalism. Paliwanag ni Pimentel
Sa panig naman ni Senate Majority leader Tito Sotto, umaasa siyang magkakasundo rin sa bandang huli ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa kung paano sila magbobotohan