Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry o DTI na dagdagan ang inilalaang pondo sa mga negosyante sa Marawi City.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ito ay upang mapabilis ang pagbangon ng naturang lungsod.
Sinabi ni Lopez na tinitingnan nila na mabigyan ng karagdagang pondo para sa pangkabuhayan ng walumpung (80) porsyento ng internally displaced person sa Marawi ngayong taon.
Ipinabatid din ni DTI Regional Operations Group Usec. Zenaida Maglaya na humahanap din sila ng dagdag-pondo para ilaan sa pagpapautang ng mga nais magkaroon ng tricycle, mobile rice mills, pagpapatayo ng mga palengke at iba pang panimulang pangkabuhayan.
Una na ritong nakapaglaan ang DTI Small Business Corporation ng 375,000 pesos micro loans sa mga negosyanteng Maranao gayundin ng 50 million pesos para sa naman sa pondo ng shared services facilities project sa naturang lungsod.
—-