Hiniling ni dating Senador Ramon Revilla, Jr. sa Korte Suprema na ipatigil sa Sandiganbayan ang kaniyang plunder trial at payagan siyang mag piyansa.
Kinuwestyon ng kampo ni Revilla sa pamamagitan ng abogado nitong si dating Solicitor General Estelito Mendoza ang ruling ng Sandiganbayan First Division nuong December 7 na ibasura ang mosyon ng dating Senador para maghain siya ng Demurrer to Evidence bukod pa sa December 28 resolution na nagbabasura sa kaniyang Motion for Reconsideration.
Dahil dito itinakda na ng Sandiganbayan ang paghaharap ng ebidensya ng kampo ni Revilla sa January 25, 30, February 1, 6, 13, 15, 20, 22, 27 at March 6 at 8.
Iginiit ni Revilla na nalabag ang kaniyang karapatan nang ibasura ng anti graft court ang kaniyang mosyon at apela.