Patuloy na nakakatanggap ng reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC kaugnay sa umano’y kawalang aksyon at pagiging insensitive ng Department of Health o DOH hinggil sa isyu ng Dengvaxia.
Ito ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez ay dahil patunay nang pagpapatupad ng DOH ng hindi epektibong health programs at mayruong malawak na korupsyon dito.
Kasabay nito ipinabatid ni Jimenez na isang Alfred Nulud ang pinakahuling Dengvaxia Victim mula sa Tarlac at tinututukan ng Tarlac Provincial Hospital.