Tumanggi si Senate Minority Floorleader Franklin Drilon na kilalanin ang isiniwalat laban sa kanya ng mamamahayag na si Erwin Tulfo.
Kaugnay nito, hindi nagbigay ng anumang reaksyon si Drilon sa ibinulgar ni Tulfo na humingi umano siya ng Limang milyong Pisong campaign fund noong 2010 elections sa umano’y pork barrel fund scam queen Janette Napoles.
Sa panig naman ni Senate President Koko Pimentel, iginiit nito na wala siyang personal na nalalaman sa akusasyon laban kay Drilon bukod pa sa hindi siya agad naniniwala sa mga salita o paratang lamang.