Lusot na sa House of Representatives ang mas mahigpit na bersyon ng Anti-Hazing Law.
Sa botong 210 na pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6573 na nagsasaad ng total ban sa hazing at paglimita sa paraan ng initiation rites.
Sakop ng panukala ang lahat ng fraternities, sororities at organisasyon sa lahat ng eskwelahan at maging sa komunidad.
Nakasaad din sa panukala na kailangan munang magparehistro ng mga anumang kapatiran o grupo sa mga eskwelahan bago magsagawa ng anumang aktibidad habang minomonitor naman ng isang faculty adviser.
Nililimitahan din ang initiation rites sa loob lamang ng tatlong (3) araw at kinakailangang mag-sumite ng medical certificate ng mga neophytes.
Habang ang mga bagong buong community-based organization ay kinakailangang magparehistro sa mga nakakasakop na local government units.