Nananawagan ang Kuwaiti Foreign Affairs Ministry sa gobyerno ng Pilipinas na alisin na ang pansamantalang suspensyon ng Department of Labor and Employment sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait.
Nakipagpulong si Kuwaiti Assistant Foreign Minister For Consulate Affairs Ambassador Sami Abdulaiz Al Hamad kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa Junior upang iparating ang kanilang hiling kay Labor Secreatry Silvestre Bello.
Nakasaad sa Administrative Order 25 ang pagsuspinde ng pagbibigay ng Overseas Employment Certificate para sa mga ipadadalang OFW sa Kuwait.
Mananatili ang suspension habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong O.F.W. sa Kuwait noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ni Villa kay Al Hamad na tanging mga first-time OFW ang saklaw ng kautusan at hindi kabilang ang mga nagbabakasyon na OFW at mga dati nang may kontrata.