Tinatayang 1.3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 7 Million Pesos ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas sa kasagsagan ng Sinulog Festival na bahagi ng pista ng Santo Niño sa lalawigan ng Cebu.
Simula Enero a-disi otso hanggang a-bente uno inilunsad ng mga ahente ng PDEA-7 ang anim na anti-drug operations na nagresulta sa pagkaka-aresto ng sampung suspek sa Cebu at Mandaue Cities.
Ayon kay PDEA-7 director Emerson Margate, nagmula sa Mindanao ang mga droga na dinala ng mga suspek na nasa ilalim ng watchlist ng PDEA-9 sa Zamboanga Peninsula.
Bagaman karaniwan anyang ang shabu sa Cebu ay nagmumula sa Metro Manila, sa pagkakataong ito ay nagmula sa Mindanao.
Sinamantala ng mga drug trader ang Sinulog Festival lalo’t maraming maaaring pagbentahan dahil sa dagsa ng mga turista.