Nagbitiw na sa puwesto ang presidente ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) na si Henry Tenedero.
Sa gitna ito ng kontrobersya matapos bigyan ng pagkilala ng USTAAI si Presidential Communications Assistant Secretary Margaux ‘Mocha’ Uson.
Sa kanyang liham, inako ni Tenedero ang responsibilidad sa nangyari kasabay ng kanyang pagbibitiw.
Humingi din ng paumanhin si Tenedero at ang USTAAI sa Thomasian community kabilang ang mga alumni at sa publiko dahil sa idinulot na kontrobersiya ng kanilang pasya.
#JUSTIN UST Alumni Association President Henry Tenedero nagbitiw na; USTAAI nanindigang ‘di babawiin ang iginawad na parangal kay Asec. Mocha Uson. | via @varsitarianust pic.twitter.com/rh0W3smRqj
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 23, 2018
Samantala, ipinabatid naman ni Asec. Uson na kaniya nang ibabalik ang Thomasian alumni award na ibinigay sa kanya ng USTAAI sa kabila ito ng paninindigan ng nasabing samahan na hindi nila babawiin ang pagkilala.
Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Uson ang USTAAI sa paninidigan nito na hindi babawiin ang award sa kabila ng samu’t saring natatanggap na kritisismo.
Hinimok naman ni Uson ang publiko na tigilan na ang aniya’y ‘drama’ at pagtuunan na lamang ang ibang usapin sa bansa tulad ng dengvaxia at pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
#BASAHIN Statement ni Asec. Mocha Uson kaugnay sa pagbitiw ni UST Alumni Association Inc. (USTAAI) President Henry Tenedero; Iginawad na parangal, ibabalik. | via @MochaUson pic.twitter.com/JaI6Lhz7jm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 23, 2018