Kinansela na ang ipinalabas na tsunami warning ng US Geological Survey sa Alaska Peninsula, Canada, California at iba pang kalapit na lugar.
Ito’y makaraang alertuhin ng mga otoridad ang mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng pagtama ng tsunami dahil sa pagyanig ng magnitude 7.9 na lindol sa gulf ng Alaska.
Natukoy ang sentro ng lindol isandaan at pitongpo’t limang (175) milya timog silangan ng Kodiak, Alaska may lalim na labing limang (15) milya.
Wala namang naitalang sugatan o nasawi bukod sa mga nasirang gusali bunsod ng lindol.