Tuluy tuloy ang pamamahagi ng tulong ng PRC Philippine Red Cross sa mga apektado nang pag aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ipinabatid sa DWIZ ni Atty Oscar Palabyab, Secretary General ng PRC na nakapagpadala na sila ng dalawang truck ng pagkain para sa mga evacuees bukod pa sa mga hygiene kits at iba pang non food items.
Importante rin aniyang kaagad na naibigay nila ang water tankers para may mainom na malinis na tubig ang mga residenteng apektado nang pagsabog ng Bulkang Mayon.
Karagdagang tulong inapela ng PH Red Cross
Umaapela ang PRC Philippine Red Cross sa mga nais magpa aabot na tulong sa mga evacuee dahil sa pag aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Atty Oscar Palabyab, Secretary General ng PRC mas mabuting cash donation na lamang ang ipadaan sa kanila para sila na ang bumili duon mismo sa lugar ng mga kailangan ng mga evacuee.
Sa pamamagitan pa nito aniya ay matutulungan pa ang local economy na nagkaka problema na rin dahil sa sitwasyon ng Bulkang Mayon.