Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang palakasin ang security of tenure ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Ito ay para tapusin na rin ang problema sa Labor Only Contracting at ENDO o End of Contract.
Layon ng House Bill 6903 na amiyendahan ang Presidential Decree 442 o mas kilala bilang Labor Code of the Philippines.
Partikular na pina a amiyendahan dito ang Article 106 na may titulong contractor para sa tuwing papasok ang employer sa isang kontrata ay mababayaran ang mga empleyado nito base na rin sa nakasaad sa labor code at iba pang batas.