Ipinauubaya na ng Department of Information and Communications kay Pangulong Rodrigo Duterte issue hinggil sa deadline para sa pagpasok ng ikatlong telco player sa bansa.
Ito’y makaraang humiling ng karagdagang panahon upang makapaghanda ang ilang posibleng aplikante kaya’t posibleng matagalan bago makahanap ng telco na itatapat sa Globe at Smart.
Sa unang public consultation ng DICT para sa pagdating ng ikatlong telecom provider, ipinunto ng mga posibleng aplikante na masyadong maaga ang March 2018 deadline.
Bilang tugon, inihayag ni DICT Officer-In-Charge at Undersecretary Eliseo Rio Junior na hihirit ang kanilang ahensya ng extension na posibleng abutin ng dalawang buwan o hanggang Marso.