Umakyat na sa 75,000 ang mga residenteng inilikas dahil sa patuloy na pag – aalburuto ng Bulkang Mayon.
Batay sa tala ng NDRRMC , nasa mahigit 60,000 residente ang pansamantalang nanunuluyan sa 67 eskwelahan na nagsisilbi bilang mga evacuation centers sa Albay.
Habang 9,000 naman ang naninirahan sa kanilang mga kaanak.
Samantala , tinatayang aabot na sa 33 Milyong Pisong halaga ng ayuda ang naibigay sa mga apektadong residente.
Tiniyak naman ng NDRRMC na tinutugunan nila ang mga pangagailangan ng mga evacuees at sapat ang suplay ng mga pagkain sa lalawigan.