Halos dalawangpu (20) na mag-aaral ng isang day care center ang isinugod sa Echague District Hospital sa Isabela matapos mabiktima ng food poisoning.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng feeding program sa San Marcelo Daycare Center kung saan ipinamahagi ang puto, lugaw na mayroong halong karne, at tinimplang inumin.
Matapos kumain ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka ang mga biktima.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad kung alin sa mga kinain ng mga bata ang nakalason sa mga ito.
Samantala, maayos na ang kalagayan ng mga mag-aaral at maaari nang makalabas ng ospital.