Nangangamba si dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III na magkawatak-watak ang bansa dahil sa isinusulong na charter change (Cha-cha) at pederalismo ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Aquino, dapat linawin ang tunay na intensyon ng Cha-cha lalo na’t may mga naghahangad na palawigin ang kanilang termino.
Bukod pa aniya dito, tila nagkakanya-kanya ng pagsasagawa ng pag-amyenda sa konstitusyon ang Kamara at Senado.
Gayunman, sinabi ni Aquino na bukas siyang suportahan ang pag-amyenda sa konstitusyon kung maipakikita na para ito sa kapakinabangan ng bansa at publiko.
Matatandaang mainit na banggaan ng dalawang kapulungan kaugnay sa proseso ng isinusulong na charter change (Cha-cha).