Nanatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Ito ang pagtitiyak ng National Food Authority o NFA batay sa naging pagtaya ng Interagency Food Security Committee on Rice ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte, dahil dito ay hindi na nila itutuloy ang pag-aangkat ng dalawangdaan at limampung libong (250,000) metriko ng toneladang bigas ngayong taon.
Kasabay nito, ipinabatid din ang pag-angat ng produksyon ng palay sa bansa noong 2017.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula sa 17.63 million metric tons nitong 2016 ay tumaas ito sa 19.28 million metric tons.