Mapupuno na sa taong 2020 ang ‘sanitary landfill’ na pinagtatapunan ng basura ng Metro Manila.
Ito ay ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na siya ding pinangangambahan ng ilang local government units (LGU’s).
Gayunman sinabi ng DENR na mayroon pa sanang malalaking sanitary landfill sa Capas, Tarlac at Clark Pampanga, ngunit hindi pa natutukoy kung saan dito itatayo ang bagong tapunan ng basura.
Isa din sa tinitingnang solusyon ng DENR ay ang pagtatayo ng waste to energy facilities kung saan ang basura ay maaaring pagmulan ng kuryente.
Ngunit, ipinabatid ng ahensya na ang isang makina ay nagkakahalaga ng sampung bilyong piso (P10-B) na dapat paglaanan ng pondo ng mga LGU.
Samantala, nakatakdang kasuhan sa Ombudsman ng DENR ang isandaan at animnapung (160) lungsod at munisipalidad dahil sa patuloy na paggamit ng open dump sites na mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya.