Nakahanda ang Department of Labor and Employment o DOLE sa posibleng pagdagsa ng mga mag-uuwiang Overseas Filipino Workers o OFWs mula Kuwait.
Ito ay sakaling ipatupad ang total deployment ban sa naturang bansa dahil sa mga kaso ng pang-aabuso sa Pilipinong nagtatrabaho sa Kuwait.
Gayunman, tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi sila magpapadalos-dalos sa pagdedesisyon tungkol sa posibilidad ng pagpapatupad ng deployment ban.
Samantala, iniimbestigahan naman na ng Philippine Overseas Labor Office o POLO ang mga kahina-hinalang pagkamatay ng pitong (7) Pinay sa Kuwait na nagtulak noon kay Bello para suspendihin ang pagpapadala ng mga bagong OFWs sa naturang bansa.
—-