Hindi makakadalo ang mga magulang ng TV host na si Billy Crawford sa kanyang kasal sa actress na si Coleen Garcia.
Ito ay dahil sa isyu ng kanilang kalusugan.
Kwento ni Billy, hindi pinayagan ng doktor na makabiyahe ang kanyang mga magulang dahil pareho nang malala ang kalagayan ng mga ito.
Kaya naman sobra aniya ang kanyang kalungkutan ngayong nalalapit ang kanyang kasal.
Tumanggi naman sabihin ni Billy ang eksaktong petsa ng kanilang pag – iisang dibdib ni Coleen pero tiniyak niya na ito ay malapit na malapit na at mangyayari ito ngayong taon.