Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na marami na ang nagkakasakit dahil sa patuloy na pag – aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ito ay dahil sa makapal na usok na ibinubuga ng bulkan na delikado sa kalusugan.
Payo ni Marasigan sa mga residente, gumamit ng ‘face mask’ o di kaya ay basang bimpo o tela para ma- filter ang hangin.
Dagdag pa ni Marasigan na agresibong tinututukan ngayon ng Department of Health ang mga evacuees na nasa halos pitumpung (70) evacuation centers.