Inireklamo na sa Department of Justice ni Atty. Lorenzo Larry Gadon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa kabiguan nitong ideklara ang kanyang Statement Assets Liability and Networth sa loob ng 17 taon.
Ayon kay Gadon, partikular na nilabag ng punong mahistrado ang isinasaad ng Section 8 ng Republic Act 6713 o None Disclosure of SALN na may karampatang parusa na hindi hihigit sa limang taon sa sandaling na mapatunayan na nagkasala.
Kabilang sa isinampa ni Gadon laban kay Sereno ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.
Nagsimula anya si Sereno noong 1986 hanggang 2006 subalit tatlong taon lamang sa loob ng dalawampung taong ang pagtuturo nito sa Universityf of the Philippines ang mayroong record na inihaing saln ang punong mahistrado.
Batay sa tatlong pahinang reklamo ni Gadon na noong 1998, 2002 at 2006 lamang may record si Sereno ng kanyang SALN habang kalakip ng reklamo ang sertipikasyon mula sa Ombudsman, UP at ng Judicial and Bar Council o JBC.