Muling sumabog ang Bulkang Mayon sa Albay, kagabi.
Dakong alas 8:00 nang muling magbuga ng magma ang bulkan na umabot ng 25 million cubic meters ang volume o katumbas ng sampung libong olympic-sized swimming pools.
Ayon kay PHIVOLCS Director at Department of Science at Technology Undersecretary Renato Solidum, marami pang maaaring ibugang magma ang Mayon at nasa tatlumpung porsyento pa lamang ang inilalabas nito sa mga nakalipas na araw.
Sa nakalipas anyang bente kwatro oras ay pitong lava fountains na ang kanilang naitala sa Mayon kung saan apat hanggang limang oras ang interval.
Umabot naman sa isandaan hanggang limandaang metro ang taas ng ibinugang abo.
Gayunman, nilinaw ni Solidum na hindi ito nangangahulugan na humupa na ang pag-a-alburoto ng bulkan dahil maaaring maganap ang isang malakas na pagsabog anumang oras.