Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang Negros Oriental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong sampung (10) kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Dauin.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na anim na kilometro.
Naramdaman naman ang intensity 4 sa Sibulan at Dumaguete City.
Wala namang inaasahang naidulot na pinsala ang nasabing lindol.
—-