Sumampa na sa siyamnapu’t lima (95) ang nasawi habang nasa isandaan limampu’t walo (158) ang nasugatan sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.
Naganap ang pambobomba malapit sa lumang interior ministry building at mga tanggapan ng European Union and High Peace Council at Indian Consulate.
Ayon kay Afghan Interior Minister Nasrat Rahimi, isang ambulansya na kargado ng mga pampasabog at minamaneho ng isang lalaki ang nakalusot sa security checkpoint.
Inako na ng teroristang grupong Taliban ang panibagong pag-atake na isa sa pinaka-madugong suicide bombing sa Afghanistan sa mga nakalipas na buwan.