Nabalot ng dilim ang buong Eiffel Tower sa Paris, France nang patayin ang lahat ng ilaw nito kagabi, oras dito sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Paris Mayor Anne Hidalgo ay bilang pakikiisa ng lungsod sa mga nasawi at nasugatan sa panibagong insidente ng suicide bombing sa Kabul, Afganistan.
Batay sa pinakahuling tala, pumalo na sa isandaan at tatlo (103) ang bilang ng mga nasawi habang nasa isandaan at siyamnapu’t isa (191) naman ang naitalang sugatan.
Isang ambulansya na kargado ng mga bomba ang ginamit ng suspek at pinasabog ito sa isang checkpoint malapit sa dating gusali ng Afgan Interior Ministry at sa tanggapan ng European Union o EU at Indian consulates.
Una nang inako ng grupong Taliban ang naturang pag-atake.
—-