Umaabot na sa 352 mga pulis ang sinibak sa serbisyo ni Philippine National Police o PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa mula nang maupo siyang hepe ng PNP.
Ayon kay Bato, karamihan sa mga sinibak o 167 pulis ay sangkot sa droga, 72 ang nag-AWOL, 59 ang may iba’t ibang grave offenses habang ang iba pa ay may kasong murder, kidnapping, rape, extortion at human rights violation.
Pinakamataas na ranggo sa mga sinibak ay superintendent.
Bukod dito, mayroon pa anyang 329 na pulis ang nakasalang din na masibak.
Bukod pa ito sa 60 pulis na nasa listahan ng National Police Commission o NAPOLCOM na siya pinasisibak naman ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi pa naman tukoy ni General Bato kung sino ang 3 heneral na pinasisibak ng Pangulong Duterte dahil sa korapsyon.
Mga pulis na sinibak sa serbisyo mula nang maupo sa pwesto si PNP Chief Dela Rosa, umaabot na sa 352; higit 300 iba pang pulis, nakasalang ding masibak @dwiz882pic.twitter.com/C1qH6Hs78F
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) January 29, 2018
—-