Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa paligid ng Bulkang Mayon, dakong alas 6:00 kahapon.
Kasunod ito ng kanyang press briefing kasama ang disaster team at mga lokal na opisyal Albay.
Batay sa larawang ipinost ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, sakay ng chopper si Pangulong Rodrigo Duterte habang tinitignan ang mga naging epekto ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Kasama ng Pangulo sa kanyang pag-iikot si Go, ilang miyembro ng Presidential Security Group at mga military personnel.
Nagtungo si Pangulong Duterte sa Albay para personal na alamin ang lagay ng mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon at matiyak na nabibigyan nang tulong ang ito.