Umarangkada ngayong araw ang ikalawang pagdinig ng Senado hinggil sa fake news.
Sa opening statement ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senator Grace Poe ipinaalala nito sa publiko ang kahalagahan ng pagiging mapanuri pagdating sa mga impormasyong nakikita o ibinibigay ng social media.
“What we don’t know or refuse to recognize is that Facebook can act like an echo chamber, reflecting back only news that you like.”
Binabasa ng Facebook ang mga like at dislike mo at website na madalas na pinupuntahan mo. Base rito, mamimili sila ng balita na ipapakita sa feed mo. Dahil paulit-ulit ang nakikita natin, ‘di na tayo nagiging mapanuri. Tinatanggap na lang natin ang impormasyon kasi inaakala natin ‘yun din ang pinaniniwalaan ng maraming tao.”
“Though social media is fun, it can be used to manufacture popularity, andyan ang mga ‘trolls’ o ‘bots’” Pahayag ni Poe
Idinagdag ni Poe na hindi katanggap-tanggap na idahilan ang ‘freedom of speech’ sa pag-atake nang walang basehan laban sa isang tao, online at binigyang diin na dapat mapanagot kung sinuman ang nagpapakalat ng fake news.
“In the last hearing, some bloggers claimed their posts were personal expressions or mere opinions and therefore not subjected to journalists’ code of ethics.
In my view, bloggers are not above libel laws. You cannot just attack a person without basis and hide behind the skirt of free expression.”“If a blogger passes on information that he claims are facts, but which later turn out to be false, we should be able to hold him accountable. ”
Sinabi ni Poe na ang mga mamamahayag at bloggers ay kapwa responsable sa pagkalat ng mga hindi totoong balita.
“Aanhin mo ang batas na nagsusulong ng freedom of information, kung pekeng balita rin naman ang ibinibigay sa’yo ng gobyerno?
Congress cannot legislate a law on ‘fake news’, it’s tantamount to censorship.”
Samantala, present din sa pagdinig sina Senator Manny Pacquiao at Senator Bam Aquino.
Ilan naman sa mga inimbitahang resource persons ng Senado ay ang mga kinatawan mula sa Presidential Communications Operations Office o PCOO kabilang na si Secretary Martin Andanar, mga kinatawan mula sa iba’t ibang news agency sa bansa, bloggers at iba pang media outlets.
By Aiza Rendon