Inialok ng isang negosyanteng Bicolano ang kanyang apatnapo’t isang (41) ektaryang lupain para gawing temporary evacuation site para sa libu – libong residente na lumikas dahil sa pag – aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Elizaldy Co ng Sunwest Care Foundation, nakikipag – ugnayan na ang kanilang grupo sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para mailipat ang ilang evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa mga paaralan.
Kaya aniyang patuluyin sa nasabing lupain sa Legazpi City ang nasa mahigit 50,000 pamilya.
Nangako naman ang Philippine Red Cross (PRC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kanilang susuportahan ang ipinagkaloob na tulong ng grupo ni Co sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tent at mga construction material.
Una dito, sinabi ng mga otoridad na umaabot na sa halos 90,000 ang mga lumilikas dahil sa pag-alburuto ng Mayon.