Itinangi ni Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam ang akusasyon na siya at ang gaming operator na si Charlie “Atong” Ang, ang nasa likod ng paninira kay P.C.S.O. General-Manager Alexander Balutan.
Ayon kay Cam, sa unang araw pa lamang ng panununkulan niya sa P.C.S.O. ay binully siya nina balutan at P.C.S.O. Chairman Jorge Corpuz.
Bagaman aminado si Cam na dating Jueteng whistle-blower na magkaibigan sila ni Ang, hindi naman siya natitinag sa mga banat ni Balutan.
Magugunitang isiniwalat ng PCSO Board Member ang kontrobersyal at magarbo umanong Christmas party ng ahensya sa isang mamahaling hotel sa Mandaluyong kung saan umabot sa 6 Million Pesos ang gastos.