Posibleng tumaas hanggang 3 percent ang inflation rate ngayong buwan kasunod ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon sa Department of Finance o DOF lumabas na dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin maaaring mapantayan ng kasalukuyang buwan ang 3.3 percent inflation rate noong Disyembre.
Mas mataas ito ng 2.7 percent na naitala noong Enero ng taong 2017.
Sa pagtaya ng DOF ang inflation ng mga pagkain at mga inuming na non-alcoholic ay tumaas ng 3.5 percent habang ang mga alak naman at tobacco ay umakyat sa 6.7 percent.
Ang inflation rate ay antas ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pasahe at iba pa.
—-