Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang walong buwang gulang na sanggol na babae makaraang gahasain umano ng 28-anyos na pinsan nito sa India.
Ayon sa ulat, tatlong oras sumalang sa maselang operasyon ang sanggol habang agad namang naaresto ang suspek.
Sinasabing talamak ang sexual violence sa India na mariin namang kinukondena ng mga grupo ng kababaihan doon.
Matatandaang 2012 nang isang babaeng estudyante ang nasawi matapos mabiktima ng gang rape.
—-